Jeep, Paa, at $350
Can’t understand the Filipino language? Click here.
Mahabang pagsasalaysay lang ng nangyari. Wala lang. Sensya na.
Nakakainis talaga pag may taong ang intense tumingin sayo. Nakasakay ako sa jeep papuntang school kanina. Male-late na ako. 4-7pm klase ko nun pero 3:35pm na, nasa SM pa rin ako. Nalibang kasi ako dito sa PT, hehe. Tapos napansin ko, yung mama sa harap ko, nakatingin sa akin. Nakatitig, mas appropriate yung word na yun. Di matawaran. Sarap sundutin ng bolpen ang mga mata niyang kirat. Badtrip. Sa may bandang Agham Road, may sumakay na isa pang mama. Napansin din niya na grabe tumingin yung lalaki sa harapan ko, tapos tingin siya ng tingin sa aming dalawa na para bang iniisip niya na may LQ kami. Nakakainis talaga. It’s uncomfortable to be stared at, lalo na’t nasa konteksto ng isang pampublikong lugar ang jeepney. Para malibang ako, tumingin na lang ako sa mga paa ng mga pasahero ng jeep.
Naisip niyo nba na sa jeep nagiging examiner tayo? Lalo na pag mahaba ang biyahe o kaya nama’y trapik. Wala tayong ibang magawa kundi tumingin sa labas, kaso masakit sa leeg, kaya titingin na lang tayo sa baba ng jeep. Makikita natin ang iba’t ibang uri ng paa: paang manicured ang mga kuko, paang patay ang mga kuko, paang puro paltos at eksema, paang mukhang tinubuan ng algae, paang pinamamahayan ng iba’t ibang organismong hindi nakikita ng hubad na mga mata. Andun na rin yung titignan natin ang suot nilang tsinelas/sandals/rubber shoes/flipflops/walang footwear. Makikita mo, Havaianas, Fila, Nike, Chucks, depende sa taong nakasuot. Kaya nga naiisip ko, imbes na pumasok ako sa paaralan na naka-tsinelas lang (akin nga pala yung Fila :p), dapat rubber shoes. Para tantanan ng mga malilikot na mata ang paa ko.
Anyway, sa wakas, bumaba na yung mamang kirat sa may Philcoa. May pahabol pang lingering look ang loko. Yung mamang ususyero naman, tumingin sa akin, akala bababa rin ako. Tapos kinausap ako..
Him: Akala ko magkasama kayo.
Me: Hindi po.
Him: Tingin kasi ng tingin sayo eh.
Me: Baka po banlag lang. Hindi naman po.
Buti na lang kay Oble lang ang baba ko, lakad lang ng onti para makapunta sa CMC bldg. Natakasan ko kaagad ang maruruming paa, kirat na mata, at ususyerong mama. Mahabang paglalakbay, ngunit ako’y buhay pa rin. Salamat naman.
Maaga kaming dinismis ni prof, mga 6:15pm pa lang ata nun. Nagkaroon lang ng halos dalawang oras na diskurso tungkol sa Communication Models, na hindi naman foreign sa akin dahil may Speech Comm ako dati sa UP Baguio at napagaralan ko na ang ilan sa mga komplikadong models na yun. Sayang lang ang readings namin for that topic, inabot ng Php100 ang xeroxing nun. Hindi ko naman binasa. Maaga sana ako makakauwi kaso trapik. Gusto uli ako isabay ng parents nina Ange at ng parents niya (lagi nila akong hinahatid sa sakayan ng SM tuwing Biyernes) kaso sabe ko maaga pa naman at medyo maliwanag. Gusto ko ring maglakad-lakad muna kaya ayun, naglakad ako from CMC hanggang sakayan ng jeep papuntang SM.
Mga 8:15pm na ata nung nakauwi ako. Check ako ng mail, ok naman, 2 mails lang at 10 spam. Check ko yung site ko, aba pucha! Ano nangyari? Mukhang may nag-activate ng bagong theme na ginawa ko na hindi pa masyadong tapos. Hindi ako makalogin sa admin panel ko, mukhang may nagiba ng password, pati na rin email address. Naku naman! Buti na lang karereset lang ng cPanel PW ko (recently hacked by a dumbass) kaya inedit ko na lang ang DB ko, tadah! Ayos, nakapasok na. Kaso mukha ngang may gumalaw ng precious WP ko. Chineck ko yung isa ko pang domain, black-apogee.net. Aba, iba na rin ang look! Bwiset! May gumalaw nga! Hindi rin ako makalogin sa admin. Shempre sa cpanel uli ako, kaso mukhang nag-upgrade ang Drawgweb ng Plesk kaya naiba ang password ko. Naretrieve ko naman agad. Edit DB tables lang, ayos na uli. At hulaan niyo kung kaninong pangalan ang nakita ko…
Robby
Little brother ko. Kate-ten lang nung June21. Isang malaking GA at isang malaking GO. Ginamit pala itong computer na ito (yung computer niya na computer ko dati nung nasa Baguio pa ako, nasa kwarto ng tatay namin – dun din siya natutulog) At aking napagtanto na na-access pala niya ang aking Gmail inbox thru Outlook Express. Nampucha. Kaya pala. Tapos nagulat ako, nagemail ang Philhosting sa akin na sa cPanel ko raw babaguhin ang PW ko. At nakita ko, nabasa ko ang orig mail sa Philhosting na “Can You Change My cPanel Password to ******?” Type pa lang, kapatid ko na. May tendency kasi siyang i-capitalize ang first letter ng words. Buking. Galit ako, sobra. Shempre, ganti-ganti lang yan. Inaccess ko ang inbox niya, alam ko kasi ang PW niya. At namangha naman ako.
May domains siya. At dalawa pa! http://www.myformsite.org/ at http://www.myformsite.net/ ang domains niya. Binili niya ang .ORG sa BlueHost, at take note, 2 years! Kaya $166.8 ang charge. Yung .NET naman ay sa Bravenet. Yung Premium WH pa talaga, 30GB space, free domain. $107.4 ang charge. Kanino naka-charge? Sa isang nagngangalang Patrick Jason Escobar, na ang credit card # ay ang cc# ng tatay namin ni Robby. Huwaawww!!! Astig! Nakita kong nagpa-register din ang mahal kong kapatid sa Dragweb, Philhosting, Nokiahost at meron pang 2 na hindi ko matandaan. At natawa ako kasi ni-register niya ang organized-chaos.org (pero hindi naapprove), na balak ko sanang bilhin kaso gusto ko .com eh taken na. Pambihira. Humigit-kumulang $350 ang na-charge sa credit card ng tatay namin.
So far, napa-cancel ko na ang myformsite.org. Yung sa Bravenet, ewan ko na lang. 30GB space din yun, 1 year. Sayang. May bumili kaya nun sa akin kung sakaling ibenta ko? Haha. Badtrip. Ang astig talaga ng kapatid ko. Mana sa akin kung tumira.
Here’s another set of domain names I’m taking into consideration. And this time, I’m sure they haven’t been taken YET. I want a .COM. What do you think?
- lazyfreak
- quirkyass
- sensualbrat
- mesucks
- morbidwords
- brutallyhonest
- putak (a Filipino word)
Hi, this is a comment.
To delete a comment, just log in, and view the posts’ comments, there you will have the option to edit or delete them.
Mr WordPress
14th July 2006 at 20:08
Hey Shari!! Hehe, I like brutallyhonest.com the best. Hehe.
Chau
14th July 2006 at 22:39
hehe.. mangha ako sa bro mo..:)
hmm.. parang mas gusto ko yung putak.com di ba ang ibig sabihin ng putak ay salita? hindi lang ako sigurado baka may ibig sabihin pang iba..
Jham
14th July 2006 at 23:56
Takaw ka ata sa domain names ah? hehe.
Mahilig rin akong tumungin sa mga paa ng mga tao sa jeep. Natatawa nga ako.. naalala mo ba yung entry ko na ito? I have nothing against people wearing slip ons/flipflops in public pero sana naman gawin nilang kaaya-aya yung mga toenails nila kapag magsusuot sila ng ganun. Ang sagrwang tignan talaga eh. Meron pa yung mga paa na parang luya. Halatang mga hindi taga-baguio talaga. Mga galing probinsya. Hindi kasi uso sa aming mga taga-Baguio(as in mga taga-Baguio talaga) yung pormang pambahay. Mga early 90’s siguro, wala kang makikita naka “pambahay” sa downtown Baguio, kahit sa palengket, pero nung naitayo yung cerntermall, kahit saan sa downtown, makakakita ka ng mga naka”pambahay”. =(. Mahiya naman sana yung mga ibang tao na may di kanais na na scenario sa paa. Hehehehe
Alam mo ako natatakot ako kapag may kumakausap sa akin na di ko kilala. Kung ako nas aplace mo, sobra ata takot ko..
Parang type ko yung morbidwords. =)
Hayop ng bro mo. Ganyan na ata sa digital age. Mga batang hindi pa graduate sa elementary, may alam na sa cimputers. natuto lang ako magcomputer nung 13 years old ako; internet nung 14 ako(ginto pa ang presyo ng dial up nun sa Pilipinas). Pero ako, mahilig ako sa old-fashioned, siguro dahil childhood ko is nung mga 90’s na mano-mano pa ang uso. =)
Tammy
15th July 2006 at 04:29
Hey Shari
I miss having your site around.. hehe. I hate it when people just stare at you O.O It’s half scary and half annoying.. well, mostly annoying. Whatever to the dude. Nagandahan lang sa’yo
hehehehehe. Scary pa rin. I don’t like jeep rides. I hate commuting, so I barely do. I’d die if I have to commute everyday. I’m like a damn princess haha.
Glad you were dismissed early. You don’t normally get that during High School
oh well. Haha.
I like the brutallyhonest one.
Lindsey
15th July 2006 at 05:17
i like morbidwords
lai
15th July 2006 at 09:41
lazyfreak is appealing to me …
what happened to your site? abangan ba ang susunod na kabanata? hehehe… baka naman saksakan ng bongga yan ah!
Ems
15th July 2006 at 15:31
teka naguguluhan ako, sino si patrick jason escobar? kasi nag apply sya sa maging hostee ko *kamot ulo*
Ems
15th July 2006 at 15:34
I really like the domain name Morbidwords.com. I think that’s my favorite of the ones listed.
Zalette
15th July 2006 at 23:44
Kulit naman yung ginawa nya. Kaya pala nagtanong sa amin kung pwede bayaran yung domain via CC. Anyway, minark ko na yung order as declined.
Lloyd
15th July 2006 at 23:55
Someone’s been trying to hack into Misteryosa? Wow so not cool.
I don’t know Filipino, so I can’t comment on the rest of your blog, but I like brutallyhonest.com.
Hope everything goes well with Misteryosa! =)
Danni
16th July 2006 at 20:47
lukung bata yun ah. nag-adik sa pagbili ng domain. anyway, i like morbidwords. ^^
Nagi
18th July 2006 at 02:36
Wow, I haven’t visited Misteryosa.org in a long time and now when I visit it, it’s pretty much closed. Or hiatus. Whatever.
Yung guy na tingin ng tingin ang creepy. I get that a lot too, when I go with my cousins to a mall.
Sigh…ang astig naman ng kapatid mo. Woo hoo. Biro mo more than $300 ang nagastos nya sa mga domains! Ako nga eh kahit isa wala. XP
I like brutallyhonest. Good luck sa pagbili!
kichigai
3rd August 2006 at 11:10